POSIBLE KAYA?
POSIBLE KAYA? A Short Poem by Agos Baltazar Posible kayang umibig ang tao nang walang kapalit? Hindi ba umaasa ang tao na may magbalik? Sa hirap ng pinagdaanang bagsik, Wala bang ni isang halik? Posible bang maghintay ka ngunit 'di ka umaasa? Maghihirap, magsisikap, tapos wala na? Hindi ka maglalaro kahit ikaw ang bumalasa? Tapos tumaya ka't nanalo pero ang bayad, saka na? Posible bang maglaan ka ng oras sa hindi mo interes? Magsasakripisyo ng marami sa bagay na 'di mo gusto? Pwede bang uminda sa sakit ng maraming beses, Pero wala kang balak at damdaming bugso? Paanong mag-aalab ang 'yong pagti-tiyaga Sa bagay na para sa'yo ay walang halaga? At kung posibleng 'di mo hangarin ang 'yong kinamangha, Bakit malulungkot ka 'pag ito ay nawala? Posible kaya? Please visit my official FB Page - https://www.facebook.com/agosbaltazar