Mga Post

DISYEMBRE NA PALA

Imahe
  DISYEMBRE NA PALA ni  Agos Baltazar Ika-1 ng Disyembre, 2020 Nananahimik ka, nangangarap; Nakatingi't inaabot ang alapaap; Nakangiti't dinadama ang pagyakap; Nakabibinging pagsabog ang nasagap. Oo, biglaan. Pinaulanan ka ng takot, pinagtakip ka ng ilong; Pinunlaan ka ng kabang nagpahakbang sa iyo paurong; Tila isang paniginip nang paliguan ka ng abo; Iniiwasang malanghap dahil manganganib kayo. Oo, digmaan. Wala ka namang kalaban pero kailangang maghanda; Nandaraya na ang lahat sa kalagitnaang pagbanta; Isang sakit na kapag kumalat ay lalong lalala; At ito ay tinawag na PANANAMANTALA. Oo, hidwaan. Doon nagsimulang hanapin ang wala; At ang mga kumikilos ay nababalewala; Ang mga inosente ang nakatanikala; At hinahayaan ang mga pariwara. Oo, tindahan. Ang lahat ay binibili, walang libre; Maging ang pakikisama at pagiging ligtas; Kaya ikaw ay isang tunay na inosente; Kapag ikaw din ang gumawa ng dahas. Ilang buwan kang dumanas ng takot; Ilang yaman ang nakamkam at nahakot; Ilang

POSIBLE KAYA?

Imahe
POSIBLE KAYA? A Short Poem by Agos Baltazar  Posible kayang umibig ang tao nang walang kapalit? Hindi ba umaasa ang tao na may magbalik? Sa hirap ng pinagdaanang bagsik, Wala bang ni isang halik? Posible bang maghintay ka ngunit 'di ka umaasa? Maghihirap, magsisikap, tapos wala na? Hindi ka maglalaro kahit ikaw ang bumalasa? Tapos tumaya ka't nanalo pero ang bayad, saka na? Posible bang maglaan ka ng oras sa hindi mo interes? Magsasakripisyo ng marami sa bagay na 'di mo gusto? Pwede bang uminda sa sakit ng maraming beses, Pero wala kang balak at damdaming bugso? Paanong mag-aalab ang 'yong pagti-tiyaga Sa bagay na para sa'yo ay walang halaga? At kung posibleng 'di mo hangarin ang 'yong kinamangha, Bakit malulungkot ka 'pag ito ay nawala? Posible kaya? Please visit my official FB Page - https://www.facebook.com/agosbaltazar