Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2021

DISYEMBRE NA PALA

Imahe
  DISYEMBRE NA PALA ni  Agos Baltazar Ika-1 ng Disyembre, 2020 Nananahimik ka, nangangarap; Nakatingi't inaabot ang alapaap; Nakangiti't dinadama ang pagyakap; Nakabibinging pagsabog ang nasagap. Oo, biglaan. Pinaulanan ka ng takot, pinagtakip ka ng ilong; Pinunlaan ka ng kabang nagpahakbang sa iyo paurong; Tila isang paniginip nang paliguan ka ng abo; Iniiwasang malanghap dahil manganganib kayo. Oo, digmaan. Wala ka namang kalaban pero kailangang maghanda; Nandaraya na ang lahat sa kalagitnaang pagbanta; Isang sakit na kapag kumalat ay lalong lalala; At ito ay tinawag na PANANAMANTALA. Oo, hidwaan. Doon nagsimulang hanapin ang wala; At ang mga kumikilos ay nababalewala; Ang mga inosente ang nakatanikala; At hinahayaan ang mga pariwara. Oo, tindahan. Ang lahat ay binibili, walang libre; Maging ang pakikisama at pagiging ligtas; Kaya ikaw ay isang tunay na inosente; Kapag ikaw din ang gumawa ng dahas. Ilang buwan kang dumanas ng takot; Ilang yaman ang nakamkam at nahakot; Ilang...